Abiso sa Privacy
Nakalathalang bersyon: 2.0
Petsa ng paglalathala: Enero 15, 2025
PANIMULA
Ipinapaalam sa iyo ng pahinang ito ang tungkol sa aming mga patakaran sa pagkolekta, paggamit, at pagsiwalat ng Personal na Data kapag ginagamit mo ang aming Serbisyo at mga pinili na iniugnay mo sa data na iyon.
Lubos na pinahahalagahan ang iyong tiwala sa amin, at nagpapasalamat kami sa desisyon mo na ibahagi ang iyong data sa amin. Bilang isang responsableng negosyo, pinakamataas na priyoridad namin ang pagprotekta sa iyong data. Layunin naming panatilihin ang iyong tiwala, at para maabot ito, ginagawa namin ang lahat ng kinakailangan at makatuwirang pamamaraan para protektahan ang anumang Personal na Data na ibinibigay mo sa amin.
NILALAMAN
Ang Website ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng dalawang controller:
· Whitebox B.V., address: Korporaalweg 10,Willemstad, Curaçao, Numero ng pagpaparehistro: 155412; at
· T&C Whitebox CY Limited, ang kumpanyang inkorporada sa Republic of Cyprus, na may rehistradong numerong HE 419583, kasama ang nakarehistrong address nito sa Opisina sa: Voukourestiou, 25 NEPTUNE HOUSE, 1st floor, Flat/Office 11 Zakaki, 3045, Limassol, Cyprus
Ang dalawang
controller na ito ay tatawagin mula rito bilang "Kumpanya",
"Kami", "Namin", "Amin".
Maaari mo kaming makausap para sa anumang isyung may kaugnayan sa pagproseso ng
data gamit ang email na [email protected].
Maaari naming iproseso ang mga sumusunod na kategorya ng personal na data:
Data sa pakikipag-ugnayan. Kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin gamit ang interface ng Website o iba pang available na detalye sa pakikipag-ugnayan, binibigay mo sa amin ang mga sumusunod na data: pangalan, apelyido, postal address/email address/numero ng telepono; anumang impormasyon na ibinibigay mo sa amin sa oras ng komunikasyon pati na rin ang kasaysayan ng komunikasyon, kung saan kasama ang rekord ng mga audio call kasama namin (halimbawa, kapag nakikipag-usap ka sa pamamagitan ng audio kasama ang aming team ng Suporta, atbp.)
Data ng account. Kapag gumagawa ka ng account sa Website, bukod pa sa iyong data sa Pakikipag-ugnayan, binibigay mo sa amin ang mga sumuunod: petsa ng kapanganakan, kasarian, impormasyon tungkol sa mga coupon na na-activate mo; username (kung naaangkop), Skype account; anumang karagdagang data na boluntaryo mong ibinibigay.
Data sa pagpapahintulot sa newsletter. Kinokolekta namin ang data kung nagbigay ka ng pahintulot na tanggapin ang aming Newsletter.
Data ng referral. Kinokolekta namin ang data tungkol sa iyong referral (referral user o referral affiliate).
Data ng mga pusta. Kabilang sa data na ito ang impormasyon tungkol sa mga pustang ginawa mo at sa anong mga outcome, mga laro na nilaro mo at kabuuang halaga ng mga panalo at talo at kahalintulad na impormasyon.
Data ng beripikasyon. Sa panahon ng proseso ng pagberipika, kakailanganin mong magbigay sa amin ng sumusunod na data: kopya o larawan ng iyong dokumento ng pagkakakilanlan, paraan ng pagbabayad o iba pang katibayan na ikaw ang may-ari ng paraan ng pagbabayad na ginamit o nilalayong gamitin para sa paggawa ng mga transaksyon; larawan mo; mga bill ng utilidad o telepono, kumpirmasyon ng pinagmumulan ng iyong kayamanan at mga pondo mo; rekord ng iyong mga video call/audio call sa pangasiwaan ng Website (kung ginawa ang pagberipika sa pamamagitan ng audio/video call).
Data ng pagbabayad. Ang Website ay gumagamit ng SSL encryption na tumitiyak sa pagiging kumpidensyal ng iyong impormasyon sa pagsasalin ng data. Ang mga operasyon sa pagbabayad ay ganap na isinasagawa sa pamamagitan ng secure na server ng gateway ng pagbabayad. Gayunpaman, maaari naming itago ang iyong kasaysayan ng pagdeposito at pag-withdraw at ang limitadong impormasyon ng pagbabayad (halimbawa, apat na huling digit ng iyong credit card, bank issuer, atbp.).
Data sa Loyalty Program. Para sa mga madalas sa Website, ginawa namin ang aming Loyalty Program. Nangangahulugang gumagawa kami ng data tungkol sa paglahok ng user sa Programang ito. Kasama sa data na ito ang: mga nakuha mong puntos, level, halaga ng cashback at anumang data na maaaring iproseso sa loob ng Loyalty Program.
Data sa bonus. Pinoproseso namin ang data tungkol sa iyong paggamit ng mga bonus sa loob ng Bonus Program. Kasama sa data na ito, pero hindi limitado dito, ang impormasyon tungkol sa bonus na balanse.
Data na awtomatikong kinokolekta. Kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo, awtomatikong kinokolekta ang ilang data. Kasama sa nasabing data ang mga sumusunod: kabuuang oras na ginugugol mo sa Website, mga panloob na link na na-click mo (batay sa URL ng susunod na pageview), iyong IP address at user agent string (aling browser ang ginagamit, anong bersyon, at sa aling operating system).
Data ng cookie. Maaaring mangolekta ng data ang mga cookie na pumapasok sa kahulugan ng "personal na data". Para maghanap ng higit pang impormasyon tungkol sa paggamit ng mga cookie, pakisunod ang aming Abiso sa Cookie.
Para tiyakin ang seguridad ng iyong account at para beripikahin ang pagkakakilanlan mo, gumagamit kami ng mga third-party na serbisyo sa pagberipika ng pagkakakilanlan gaya ng Face ID at Touch ID na ibinibigay ng iyong manufacturer ng device (hal., Apple, Android). Nagbibigay-daan sa iyo ang biometric authentication na ito na secure na mag-log in nang hindi nangangailangan ng mga password. Pakitandaan na ang iyong biometric data (hal., pagkilala ng mukha o impormasyon ng fingerprint) ay ipinoproseso lamang sa iyong device, at hindi namin ina-access, itinatago, o ipinoproseso ang biometric data na ito. Ang resulta ng authentication (matagumpay o nabigo) lang ang ibinabahagi sa amin para i-enable ang secure na access sa aming Mga Serbisyo. Para sa impormasyon tungkol sa kung paano kinokolekta, ipinoproseso, at itinatago ang iyong biometric data ng operating system ng device mo, mangyaring sumangguni sa mga nauugnay na patakaran sa privacy ng:
§ Patakaran sa Privacy ng Apple;
§ Patakaran sa Privacy ng Google.
Layunin |
Paglalarawan |
Legal na batayan |
Pagbibigay ng aming Mga Serbisyo |
Ipinoproseso namin ang iyong Personal na Data para patakbuhin at pangasiwaan ang aming Serbisyo. |
Kailangan para sa pagpapatupad ng kontrata at aming lehitimong interes sa pagbibigay ng online na content sa aming mga customer at posibleng customer tungkol sa aming Serbisyo. |
Pagpapanatili ng aming seguridad |
Ipinoproseso namin ang iyong Personal na Data para sa mga layunin ng pagpapanatili ng sariling seguridad, kasama ang pag-imbestiga, pagtukoy at pagpigil sa kahina-hinalang aktibidad at panloloko. |
Ang aming lehitimong interes sa pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad sa pangkalahatan at para protektahan ang mga karapatan namin at ng iba. |
Pangangasiwa ng mga contact at kahilingan para sa suporta sa user |
Pinoproseso namin ang iyong Personal na Data, kung pupunan mo ang isang web form ng “Get in touch” (Makipag-ugnayan sa amin) o hihiling ka ng suporta sa user, o kung makikipag-ugnayan ka sa amin sa iba pang paraan. |
Kailangan para sa pagpapatupad ng kontrata at aming lehitimong interes sa pagtupad ng iyong mga kahilingan at pakikipag-usap sa iyo. |
Pagpapahusay ng aming Serbisyo at pagsasagawa ng mga aktibidad sa marketing |
Kinokolekta namin ang iyong Personal na Data para i-market ang aming Serbisyo, partikular na para abisuhan ka tungkol sa mga balita at update na nauugnay sa aming negosyo, at magsagawa ng pagsusuri/pananaliksik ng merkado. |
Pahintulot (kung kailangan sa naaangkop na batas) at lehitimong interes (halimbawa, para gumawa ng mga promosyon na maaaring interesado ka). |
Hindi kami gumagamit ng awtomatikong pagproseso at pag-profile na gumagawa ng mga legal na epekto na nauugnay sa iyo o makabuluhang nakakaapekto sa iyo sa katulad na paraan.
Para sa data ng aming mga user na may account sa Website: 6 (anim) na taon mula sa petsa nang isara mo ang iyong account sa Website at natapos ang aming kontrata sa iyo. Pakibasa ang iba pa tungkol sa pagtatago ng iyong personal na data sa aming FAQ sa pagpapanatili ng data.
Gumagamit kami ng mga makatuwirang pamamaraan para makatulong na protektahan ang data mula sa pagkawala, pagnanakaw, maling paggamit at hindi awtorisadong paggamit, pagsisiwalat, pagbabago at pagkasira. Dagdag dito, pinaghihigpitan namin ang access sa iyong Personal Data sa mga awtorisadong tauhan, ahente, kontratista, at nauugnay na third party na may lehitimong kinakailangan sa negosyo para i-acess ang nasabing impormasyon. Obligado silang iproseso ang iyong Personal na Data batay lang sa aming mga instruksyon at napapailalim sila sa mga obligasyon sa pagiging kumpidensyal.
Ang aming mga subcontractor, affiliated na kumpanya at iba pang entidad. Ang Website at Mga Serbisyong pinagkakaloob gamit ang Website ay pinapanatili at pinagkakaloob ng malaking bilang ng mga tao na maaaring nagtatrabaho sa Kumpanya o sa alinman sa aming mga affiliated na kumpanya, mga subcontractor, at iba pang establisyemento. Nangangahulugan ito na ang iyong data ay maaaring maibahagi sa kanila. Pakitandaan na ang lahat ng paglilipat na ito ay pinoprotektahan ng mga kasunduan sa maayos na paglilipat ng data na nag-oobliga sa mga tagatanggap na ito na iproseso ang iyong data alinsunod sa Patakarang ito at sa batas sa pag-iingat ng data kung saan sakop ang Kumpanya. Nakikipag-ugnayan kami sa mga provider ng serbisyo para sa mga sumusunod na serbisyo:
(Mga) sentro ng data na ginagawang available ang Website. Ang Website at Mga Serbisyong pinagkakaloob gamit ang Website ay inilalagay sa Server na pagmamay-ari ng third party. Kasunod nito, ibabahagi ang iyong data sa kanila. Pakitandaan itinatago lang ang iyong data sa encrypted na anyo, kung saan imposibleng i-decrypt ang iyong data kung walang decryption key.
Mga pinansyal na institusyon: mga bangko, provider ng serbisyo sa pagbabayad, sistema/gateway ng pagbabayad at iba pang kahalintulad na entidad. Ang iyong mga transaksyon para sa Mga Serbsiyong pinagkakaloob gamit ang Website ay pinoproseso ng (mga) third party na pinansyal na institusyon. Nangangahulugan ito na ibabahagi ang iyong data sa kanila para iproseso ang iyong mga transaksyon at isagawa ang kanilang mga obligasyon sa batas at regulasyon.
Mga courier na kumpanya. Kung nanalo ka ng anumang pisikal na napanalunan o premyo, ibahahagi ang iyong data sa isang courier na kumpanya na makikibahagi sa proseso ng paghahatid ng napanalunan o premyo sa iyo.
Mga lupon sa akreditasyon, mga auditor. Kapag sumasailalim ang Kumpanya sa isang independiyenteng audit, maaaring ibahagi sa auditor ang data na may kinalaman sa iyo. Ang lahat ng lupon at auditor na ito ay obligado ng batas na pangasiwaan ang iyong data alinsunod sa Patakarang ito at nalalapat na batas.
Analytics. Gumagamit kami ng mga serbisyo sa analytics ng data para sukatin at maunawaan ang aming audience, iangkop ang aming mga serbisyo sa marketing, at pahusayin ang karanasan sa Website. Kabilang dito ang Google Analytics at Hotjar.
Google Analytics. Ang Website ay gumagamit ng Google Analytics, isang serbisyo sa web analytics. Ito ay pinapatakbo ng Google LLC., 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, CA 94043, USA. Gumagamit ang Google Analytics ng naunang nabanggit na "mga cookie". Ang impormasyon na nililikha ng cookie tungkol sa iyong paggamit ng Website ay kadalasang nililipat sa isang Google server sa USA at itinatago doon. Ang Google Analytics Opt-out Browser Add-on ay nagbibigay sa mga bisita at gumagamit ng kakayahang pigilan ang kanilang data na makolekta at magamit ng Google Analytics. Para i-install ang Google Analytics Opt-out Browser Add-on, sundan ang link na ito: https://tools.google.com/dlpage/gaoptout?hl=en.
Cloudflare, Inc. Gumagamit ang Kumpanya ng mga serbisyong pinagkakaloob ng Cloudflare, Inc. 101 Townsend St, San Francisco, CA 94107 USA. Ang Cloudflare ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pag-optimize ng web at seguridad na ginagamit ng Kumpanya para pahusayin at protektahan ang Website, kabilang ang reverse proxy, pass-through na serbisyo sa seguridad. Maaaring kolektahin ng Cloudflare ang log data mula sa mga bisita ng Website. Dagdag pa rito, ginamit ng Kumpanya ang cookie file ng Cloudflare para sa mga layuning panseguridad (tingnan ang Patakaran sa Mga Cookie para malaman ang higit pa). Para alamin ang higit pa tungkol sa pagproseso ng data ng Cloudflare, pakisundan ang https://www.cloudflare.com/privacypolicy.
Hotjar. Ang Hotjar (nakarehistrong lugar ng negosyo: Hotjar Ltd, Level 2 St Julians Business Centre, 3, Elia Zammit Street St Julians STJ 1000, Malta) ay isang serbisyo sa teknolohiya na tumutulong sa aming mas maunawaan ang karanasan ng aming mga user (hal., gaano karaming oras ang ginugugol nila sa mga partikular na page, aling mga link ang pinipili nilang i-click, atbp.) at nagbibigay-daan ito sa amin na panatilihin at pahusayin ang aming Website. Gumagamit ang Hotjar ng mga cookie at iba pang teknolohiya para mangolekta ng data tungkol sa mga gawi ng aming mga user at kanilang mga device (partikular dito, ang IP address ng device (kina-capture at itinatago lang sa hindi naka-anonymize na anyo), laki ng screen ng device, uri ng device (mga natatanging identifier ng device), impormasyon ng browser, heograpikong lokasyon (bansa lamang), ginagamit na piniling wika para ipakita ang aming Website). Itinatago ng Hotjar ang impormasyong ito sa isang pseudonymized na user profile. Kung nais mong mag-opt out mula sa pagproseso ng Hotjar ng data na may kinalaman sa iyo, pakisundan ang Webpage sa Pag-opt Out ng Hotjar gamit ang link na https://www.hotjar.com/legal/compliance/opt-out.
Kaya naming pandaigdigang itago, i-access, at gabayan ang paglipat ng Personal na Data. Sinusuri namin ang mga internasyonal na paglipat ng data at nagpapatupad kami ng mga naaangkop na paraan para protektahan ang iyong Personal na Data nang sumusunod sa mga prinsipyong tinukoy sa Patakaran sa Privacy na ito.
Pamamaraan |
Paglalarawan |
Desisyon sa pagiging sapat |
Kung inililipat ang iyong Personal na Data sa mga bansa sa labas ng European Economic Area (“EEA”), tinitiyak naming nakatanggap ang tagatanggap na bansa ng desisyon sa pagiging sapat mula sa European Commission. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga desisyon sa pagiging sapat, mag-click dito. |
Mga naaangkop na pananggalang |
Para maglipat ng personal na data sa mga tagatanggap na kulang ng desisyon sa pagiging sapat, maaaring gumamit kami ng mga standard na sugnay sa kontrata na inaprubahan ng European Commission o iba pang legal na kinikilalang mekanismo ng paglipat. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga standard na sugnay sa kontrata, mag-click dito. |
Sa ilang partikular na sitwasyon, mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan sa pagprotekta ng data:
Para gamitin ang alinman sa mga karapatang ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang sumusunod na email address: [email protected].
Hindi mo kailangang magbayad ng anumang singilin para sa paggamit ng iyong mga karapatan. Kung gagawa ka ng kahilingan, mayroon kaming isang buwan para tumugon sa iyo.
Hindi tinutugunan ng aming Serbisyo ang sinumang wala pang 18 taong gulang. Hindi kami sadyang nangongolekta ng Personal na Data mula sa sinumang wala pang 18 taong gulang.
Ang mga cookie ay mga file na may kaunting data na ipinapadala sa iyong browser mula sa isang website at itinatago sa device mo. Ang mga teknolohiya sa pag-track na ginagamit din ay ang mga beacon, tag, at script para kolektahin at i-track ang impormasyon at para pahusayin at suriin ang aming Serbisyo.
Mga uri ng Mga Cookie na maaaring gamitin namin:
Kategorya ng cookie |
Paglalarawan |
Mga batayan sa batas |
Mga kinakailangang cookie |
Kinakailangan ang mga cookie na ito para sa pagbibigay-daan sa mga user na mag-navigate sa aing website at i-access ang mga tampok. |
Kinakailangan para sa pagpapatupad ng isang kontrata |
Mga functional na cookie |
Nagbibigay-daan ang mga cookie na ito na mag-alok ng pinahusay na functionality at pag-personalize. Maaaring kami ang nag-set up ng mga iyon o mga third-party na provider na isinama namin ang mga serbisyo sa aming mga pahina. Kung hindi mo papayagan ang mga cookie na ito, maaaring hindi gumana ang ilan o lahat ng mga serbisyong ito. |
Pahintulot (kung kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas) |
Mga marketing cookie |
Ginagamit ang mga cookie na ito para maghatid ng nilalaman na mas nauugnay sa iyo at mga interes mo. Maaaring gamitin ang mga iyon para maghatid ng mga naka-target na advertisement pati na rin para tulungang sukatin ang pagiging epektibo ng isang kampanya sa pag-a-advertise. |
Pahintulot (kung kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas) |
Mga cookie sa pagganap |
Para magbigay ng functionality sa website at tulungan kaming ihatid ang aming Mga Serbisyo. |
Pahintulot (kung kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas) |
Narito ang isang listahan ng mga link na makakatulong sa iyong maunawaan kung paano namin pinapamahalaan ang iyong mga kagustuhan sa mga cookie:
Maaaring maglaman ang aming Serbisyo ng mga link sa iba pang site na hindi namin pinapatakbo. Kung magki-click ka sa isang third-party na link, ididirekta ka sa site ng third party na iyon. Lubos naming pinapayo sa iyo na suriin ang abiso sa privacy ng bawat site na binibisita mo.
Maaari naming i-update ang Abiso sa Privacy na ito paminsan-minsan. Kapag na-update namin ang Abiso sa Privacy, irerebisa namin ang “Petsa ng paglalathala” sa itaas at ipo-post namin ang bagong Abiso sa Privacy. Inirerekomenda naming suriin mo ang Abiso sa Privacy sa tuwing binibisita mo ang Serbisyo para manatiling may-alam tungkol sa aming mga kasanayan sa privacy