Mga tuntunin at kundisyon

Huling na-update: 15.07.2024
download icon I-download bilang PDF

1.PANIMULA

1.1.
Sa paggamit at pagbisita sa anumang seksyon ng VulkanVegas.com (“Website”) o sa pagbubukas ng account sa website, sumasang-ayon kang magpasakop sa: Mga Tuntunin at Kundisyon, Patakaran sa Privacy, anumang tuntunin at kundisyon ng mga promosyon (Bonus T&K), anumang panuntunan ng laro, mga bonus at espesyal na alok, na makikita sa Website sa pana-panahon. Lahat ng tuntunin at kundisyong nakalista sa itaas ay sama-samang tutukuyin bilang "mga Tuntunin". Pakibasa nang maigi ang mga Tuntunin bago tanggapin ang mga ito. Kung hindi ka sumasang-ayon na tanggapin at magpasakop sa mga Tuntunin, mangyaring huwag magbukas ng account o patuloy na gumamit ng Website. Ang patuloy mong paggamit ng Website ay magsisilbing pagtanggap ng mga Tuntunin.
1.2.
Ang bersyong Ingles ng mga tuntunin at kundisyong ito ang mangingibabaw sa lahat ng ibang bersyon kung sakaling may pagkakaiba.

2.MGA PARTIDO

2.1.
Ang Vulkanvegas.com ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Whitebox B.V., na nakarehistro sa Korporaalweg 10, Willemstad, Curaçao (Reg. No: 155412). Ang Whitebox B.V. ay may aplikasyon (OGL/2024/822/0338) para sa kasalukuyang lisensya sa paglalaro sa Curacao Gaming Control Board at habang ang aplikasyon ay isinasagawa, ang Whitebox B.V. ay pinahihintulutan na ipagpatuloy ang mga operasyon nito sa ilalim ng Certificate of Operation. Ang mga pagbabayad ay pinamamahalaan ng T&C Whitebox CY Limited, isang kumpanyang nakarehistro sa Republic of Cyprus, kasama ang punong tanggapan nito sa Voukourestiou 25, NEPTUNE HOUSE, 1st floor, Office 11, Zakaki, 3045, Limassol, Cyprus (Reg. No: HE 419583), sa ngalan ng Whitebox na pinahintulutan ng ahente nito. Ang VulkanVegas ay pinatatakbo sa ilalim ng naka-copyright at naka-trademark na "VULKAN" na brand na pag-aari ng Dareos LTD (kumpanya na nakarehistro sa: Prevezis, 13, 1st floor, Flat/Office 101, 1065, Nicosia, Cyprus; Reg. No.: HE 372002) at lisensyado sa Whitebox na kumpanyang B.V.

3.MGA PAGBABAGO SA MGA TUNTUNIN

3.1.
Nilalaan ng Kumpanya ang karapatang amyendahan at baguhin ang kahit ano sa Mga Tuntunin para sa ilang kadahilanan, kabilang ang serbisyong legal, komersyal o serbisyo sa customer.Ang pinakabagong Mga Tuntunin at ang petsang may bisa nito ay makikita sa Website. Aabisuhan namin ang manlalaro sa anumang nabanggit na pagbabago sa pamamagitan ng paglalathala ng bagong bersyon ng Mga Tuntunin sa Website. Pananagutan ng manlalaro na tiyaking sumasang-ayon siya sa kasalukyang Mga Tuntunin at Kundisyon, at iminumungkahi ng Kumpanya na palaging sundan ng manlalaro ang mga update. Nilalaan ng Kumpanya ang karapatang baguhin ang Website, mga serbisyo at software at baguhin ang mga system specification requirement na kinakailangan para makapasok sa at magamit ang mga serbisyo anumang oras at nang walang paunang abiso.
3.2.
Kung hindi katanggap-tanggap sa iyo ang anumang pagbabago, maaari kang tumigil sa paggamit ng Website, at isara ang Iyong Account sa pamamagitan ng pagsunod sa talata 12 ng Mga Tuntunin. Ang iyong patuloy na paggamit ng kahit anong bahagi ng Website pagkatapos ng petsa kung saan isinaad na ang Mga Tuntunin ay magkakabisa ay ituturing na pagtanggap mo ng binagong Mga Tuntunin, kabilang ang anumang pagdaragdag, pag-aalis, paghahalili o iba pang pagbabago sa pagkakakilanlan ng Kumpanya sa talata 2.1 ng Mga Tuntunin, nakatanggap ka man o hindi ng abiso o nabasa ang binagong Mga Tuntunin.

4.MGA LEGAL NA ATAS

4.1.
Walang sinuman na wala pang 18 taong gulang o edad ng legal na pahintulot para sa paglahok sa mga aktibidad na kabilang sa mga serbisyong nasa ilalim ng mga batas ng kahit anong hurisdiksyon, kung alin man ang mas mataas ("Legal na nasa Edad") ang maaaring gumamit ng mga serbisyo sa anumang sitwasyon at sinumang hindi pa Legal na nasa Edad na gumagamit ng mga serbisyo ay lumalabag sa mga tuntunin ng Mga Tuntunin na ito. Nilalaan ng Kumpanya ang karapatang humingi ng patunay ng edad sa anumang yugto para maberipika na ang mga taong hindi pa Legal na nasa Edad ay hindi gumagamit ng mga serbisyo. Maaaring kanselahin ng Kumpanya ang account ng isang tao at hindi ibilang ang isang tao sa paggamit ng mga serbisyo kung hindi naipagkaloob ang patunay ng edad o kung naghihinala ang Kumpanya na ang isang taong gumagamit ng mga serbisyo ay hindi pa Legal na nasa Edad.
4.2.
Maaaring hindi legal ang pagsusugal sa Internet sa ilang hurisdiksyon. Nauunawaan at tinatanggap mo na walang kakayahan ang Kumpanya na magbigay sa iyo ng anumang legal na payo o katiyakan pagdating sa iyong paggamit ng mga Serbisyo at ang Kumpanya ay walang ginagawang representasyon pagdating sa legalidad ng mga Serbisyo sa iyong hurisdiksyon. Ang paggamit ng mga serbisyo sa Website ay ayon sa iyong sariling pagpipili, pagpapasya at panganib, at ikaw ang natatanging may pananagutan para matiyak kung ito ay legal sa iyong hurisdiksyon.
4.3.
Hindi hangarin ng Kumpanya na bigyan ka ng kakayahang lumabag sa naaangkop na batas. Nirerepresenta mo, ginagarantiya mo at sumasang-ayon ka na tiyakin na ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng Website ay susunod sa lahat ng kaukulang batas, kautusan at regulasyon. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa anumang ilegal o hindi awtorisadong paggamit mo ng mga serbisyo ng Website.
4.4.
Hindi pinapayagan ng Kumpanya na makapagbukas ng account ang, o makapagdeposito o magamit ng, mga customer na nakatira o nasa Afghanistan, American Samoa, Aruba, Australia, Belarus, Bonaire, Brazil, Cyprus, Curacao, Democratic People's Republic of Korea (North Korea), Ethiopia, France, Great Britain, Guyana, Guam, Iraq, Iran, Italy, Israel, Malta, Netherlands, Laos, Samoa, Saudi Arabia, Russia, Saba, Serbia, Singapore, Spain, Statia, St. Maarten St. Eustatius, Syria, Sri Lanka, United Kingdom, Uganda, United States of America, Vanuatu, Venezuela, Trinidad and Tobago, Turkey, Ukraine, Yemen. Ang listahan ng mga hurisdiksyon ay maaaring baguhin ng Kumpanya sa pana-panahon nang mayroon mang abiso o wala. Sumasang-ayon ka na hindi ka pinapayagang magbukas ng account, o magtangkang gamitin ang Iyong Accout kung ikaw ay nakabase sa hurisdiksyong ito.
4.5.
Ikaw ay lubusang mananagot para sa anumang kaukulang buwis at singil na nagreresulta mula sa kita mula sa paggamit ng Website. Kung nabubuwisan ang mga panalo sa iyong hurisdiksyon, ikaw ay inaatasang magtala at iulat ang mga panalo sa mga kaukulang awtoridad.
4.6.
Ang pagsusugal sa Internet ay maaaring ilegal sa hurisdiksyon kung saan ka naroon; kung ganito ang kaso, hindi ka awtorisadong gamitin ang iyong card sa pagbabayad para kumpletuhin ang transaksyong ito.
4.7.
Pananagutan ng cardholder ang alamin ang mga batas ukol sa online na pagpusta sa kanyang bansang tinitirhan.
4.8.
Ang paglahok ng mga menor de edad sa mga inaalok na aktibidad sa website na ito ay ipinagbabawal.
4.9.
Ang paglahok ng mga menor de edad sa mga aktibidad na inaalok sa website na ito ay ipinagbabawal.

5.PAGBUBUKAS NG IYONG ACCOUNT

5.1.
Upang makapagbukas ng account ("Iyong Account") para magamit ang mga serbisyo ng Website, kailangan mong ibigay ang iyong email address, pumili ng password at punan ang impormasyong kinakailangan para kumpletuhin ang pagrerehistro sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng personal na impormasyon, kabilang ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan at numero ng telepono.
5.2.
Para maberipika ang iyong pagkakakilanlan, nilalaan ng Kumpanya ang karapatang humingi, anumang oras, ng sapat na patunay ng pagkakakilanlan. Ang pagkabigong magbigay ng ganitong dokumentasyon ay maaaring magresulta sa pagsuspinde ng account.
5.3.
Pinapatunayan mo na nagbigay ka ng tumpak, kumpleto at totoong impormasyon tungkol sa iyong sarili sa oras ng pagrerehistro at pananatilihin ang pagiging tumpak ng iyong impormasyon sa pamamagitan ng maagang pag-update ng anumang impormasyon sa pagrerehistro na maaaring nagbago. Ang pagkabigong magawa ito ay maaaring magresulta sa pagsasara ng account, mga limitasyon sa account o pagpapawalang-bisa ng anumang transaksyon.
5.4.
Kung mayroon kang tanong o may naranasan kang problema sa gitna ng pagrerehistro, maaari kang makipag-ugnayan sa Support Service sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected].
5.5.
Maaari ka lang magbukas ng isang account (Pangunahin) sa Website. Anumang ibang account na bubuksan mo sa Website ay ituturing na "Duplicate Account". Lahat ng Duplicate Account gayundin ang Pangunahing Account ay maaari naming isara agad at:
5.5.1.
lahat ng transaksyong ginawa mula sa Pangunahin at/o Duplicate Account ay ipawalang-bisa;
5.5.2.
lahat ng taya o depositong ginawa gamit ang Pangunahin at/o Duplicate Account ay hindi ibabalik sa iyo;
5.5.3.
anumang deposito, panalo o bonus na iyong nakuha o naipon sa panahong aktibo ang Duplicate Account ay mawawala at maaari naming bawiin, at anumang pondong na-withdraw mula sa Pangunahin at/o Duplicate account ay hihingin naming maibalik sa amin.
5.6.
Pananagutan mong ipagbigay-alam sa amin ang impormasyong ikaw ay isang Politically Exposed Person. Mangyaring gawin ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming support team gamit ang email na [email protected] pagkatapos mong kumpletuhin ang iyong pagrerehistro. Ang mga sumusunod na indibidwal ay mga Politically Exposed Person:
mga pinuno ng Estado, mga pinuno ng pamahalaan, mga ministro at deputy o katulong na ministro;
mga miyembro ng parlyamento o ng kahalintulad na mga lupong lehislatibo;
mga miyembro ng mga lupong tagapamahala ng mga pulitikal na partido;
mga miyembro ng korte suprema, mga korteng konstitusyunal o iba pang matataas na lupong hudikatura, kung saan ang mga pasya rito ay hindi sasailalim sa mga kasunod na apila, maliban sa mga 'di pangkaraniwang pagkakataon;
mga miyembro ng korte ng mga auditor o ng mga lupon ng mga bangko sentral;
mga embahador, chargés d'affaires at iba pang matataas na opisyal sa hukbong sandatahan;
mga miyembro ng mga lupong administratibo, nangangasiwa o namamahala ng mga negosyong pag-aari ng Estado;
mga direktor, deputy direktor at miyembro ng lupon o katumbas na tungkulin ng isang internasyunal na organisasyon.
5.6.1
Ang mga Politically Exposed Person ay sasailalim sa karagdagang proseso ng beripikasyon gaya ng itinakda sa sugnay 6.6 ng Mga Tuntuning ito.
5.6.2
Ang mga Politically Exposed Person at mga customer mula sa mga hurisdiksyong mataas ang panganib (halimbawa, mga nasa listahan ng mga bansang may sanction o mula sa hindi matatag na kalagayang pulitikal) ay sasailalim sa karagdagang beripikasyon. Ang mga ganitong customer ay nangangailangang magbigay ng mga dokumentong nagpapaliwanag kung saan nagmumula ang kanilang kinikita.

6.BERIPIKASYON NG IYONG PAGKAKAKILANLAN; MGA INAATAS SA MONEY LAUNDERING

6.1.
Alang-alang sa mga karapatang iginawad sa iyo para magamit ang mga serbisyo, ikaw ay nagrerepresenta, naggagarantiya, nakikipagtipan at sumasang-ayon na:
6.1.1.
Wala ka sa ilalim ng edad na 18 o anumang legal na edad na kinakailangan para sa pagsusugal o paglalaro sa ilalim ng batas o hurisdiksyong nalalapat sa iyo;
6.1.2.
Ikaw ang tunay na may-ari ng pera sa Iyong Account at lahat ng detalyeng ibinigay mo sa Kumpanya habang nasa proseso ng pagrerehistro o sa anumang oras pagkatapos nito, kabilang ang anumang transkasyon sa pagbabayad ng deposito, ay totoo, napapanahon, tama at kumpleto at tumutugma sa pangalan sa mga credit/debit card o ibang account sa pagbabayad na gagamitin para magdeposito o tumanggap ng pondo sa iyong account;
6.1.3.
Lubusan mong nalalaman na may panganib na mawalan ng pera kapag nagsusugal sa proseso ng paggamit ng mga serbisyo at lubusan kang may pananagutan para sa anumang pagkatalo. Sumasang-ayon ka na ang paggamit mo ng mga serbisyo ay sarili mong pagpipili, pagpapasya at panganib. Kaugnay sa mga pagkatalo mo, wala kang habol na anuman laban sa Kumpanya;
6.1.4.
Lubusan mong nauunawaan ang mga pamamaraan, panuntunan at proseso ng pangkalahatang mga serbisyo at pagsusugal sa Internet. Nauunawaan mo na pananagutan mo ang tiyaking tama ang mga detalye ng mga pusta at laro. Hindi ka gagawan ng anumang kilos o magpapakita ng anumang gawi na sisira sa reputasyon ng Kumpanya.
6.2.
Sa pagsang-ayon sa Mga Tuntuning ito, binibigyan mo kami ng kapangyarihang magsagawa ng anumang pagsusuri ng beripikasyon na maaari naming hingin o maaaring hingin ng mga third party (kabilang ang mga nagpapatupad ng regulasyon) para kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan at mga detalye sa pakikipag-ugnayan (mga "Pagsusuri”).
6.3.
Sa panahon ng mga Pagsusuring ito, maaari ka naming higpitan sa iyong pag-withdraw ng pondo mula sa Iyong Account.
6.4.
Kung alinman sa mga impormasyong binigay mo sa amin ay hindi totoo, hindi tumpak, mapanlinlang o hindi kumpleto, ikaw ay may paglabag sa kontrata at nilalaan namin ang karapatang tapusin agad ang iyong account at pigilan ka sa paggamit ng mga serebisyo, bilang karagdagan sa anumang iba pang pagkilos na maaari naming gawin.
6.5.
Kung hindi namin magawang kumpirmahin na ikaw ay nasa Legal na Edad, maaari naming suspindehin ang Iyong Account. Kung sa totoo ay wala ka sa Legal na edad sa oras na gumawa ka ng anumang transaksyon sa pagsusugal o paglalaro:
6.5.1.
Isasara ang iyong account;
6.5.2.
lahat ng transaksyong ginawa sa panahong iyong ay mawawalan ng bisa, at lahat ng kaugnay na pondong dineposito mo ay ibabalik pagkatapos makarating ng Legal na Edad;
6.5.3.
anumang taya o pustang ginawa sa panahong iyon ay mawawalan ng bisa;
6.5.4.
anumang halaga ng panalo na iyong naipon sa panahong iyon ay mawawala at iaatas sa iyo na ibalik sa amin ang lahat ng pondong na-withdraw mula sa Iyong Account.
6.6.
Kapag gumagawa ng malalaking pagdeposito, maaari naming hilingin ang SOF (Source of Funds) o pinagmumulan ng pondo. Para maberipika ang pinagmumulan ng pondo, maaari naming hingin sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon at mga dokumentong nagpapakita na may sapat kang pondo para suportahan ang iyong aktibidad sa pagsusugal. Maaaring kabilang dito ang impormasyon gaya ng iyong sahod o trabaho, na suportado ng kaukulang dokumentasyon katulad ng kopya ng iyong bank statement, atbp.

7.USERNAME, PASSWORD AT SEGURIDAD

7.1.
Pagkatapos buksan ang Iyong Account, hindi mo dapat isiwalat ang iyong username at password kanino man. Kung nawala o nakalimutan mo ang mga detalye ng Iyong Account, maaari mong ipabalik ang iyong password sa pamamagitan ng pag-click sa link na "Ipaalala ang Password" sa ilalim ng window ng login.
7.2.
Ikaw ang may lubos na pananagutan sa pagpapanatiling kumpidensyal ng iyong password at ikaw ang may tanging pananagutan para sa anuman at lahat ng aktibidad na magaganap sa loob ng iyong account. Mananatili kang may pananagutan sa mga pagkatalong natamo mo o ng isang third party sa Iyong Account.
7.3.
Kailangan mong abisuhan agad Ang Kumpanya sa anumang hindi awtorisadong paggamit o pagnanakaw ng Iyong Account o anumang ibang pagsira sa seguridad. Kung hiniling, sumasang-ayon kang bigyan Ang Kumpanya ng patunay ng nasabing pagnanakaw o hindi awtorisadong paggamit. Hindi mananagot Ang Kumpanya sa anumang pagkawala na maaari mong matamo bilang resulta ng paggamit ng iba ng iyong password, nalalaman mo man o hindi.

8.MGA PAGDEPOSITO AT PAG-WITHDRAW SA/MULA SA IYONG ACCOUNT

8.1.
Kung nais mong lumahok sa pagpusta o paglalaro gamit ang Website, kailangan mong magdeposito ng pera sa Iyong Account.
8.2.
Isinasagawa mo na:
8.2.1.
lahat ng perang dinedeposito mo sa Iyong Account ay walang bahid ng pagiging ilegal at hindi nagmumula sa anumang ilegal na gawain o pinagmumulan;
8.2.2.
lahat ng pagbabayad na ginawa patungo sa iyong account ay awtorisado at hindi mo tatangkaing baligtarin ang isang pagbabayad na ginawa patungo sa Iyong Account o gagawa ng anumang aksyon na magdudulot ng pagbaligtad ng nasabing pagbabayad sa pamamagitan ng isang third party, upang maiwasan ang anumang lehitimong pananagutan. Ang paglabag sa tuntunin ay hahantong sa hindi matututulang pagsasara ng account.
8.3.
Hindi tumatanggap ang Kumpanya ng mga 3rd party na pagdeposito, katulad ng kaibigan, kamag-anak, kasama o asawa. Kailangan mong magdeposito mula sa isang account/system o credit card na nakarehistro sa sarili mong pangalan at tiyakin na ang iyong mga kinakailangang pagbabayad ay ginagamit para sa mga depositong para sa sarili mong account. Sumasang-ayon kang hindi gagamit ng mga detalye ng pagbabayad ng mga third party para sa pag-withdraw ng pondo, gayundin ang hindi magbigay ng iyong detalye sa pagbabayad para sa pag-withdraw ng pondo mula sa mga third party account. Kung matuklasan namin sa gitna ng aming mga pagsusuri sa seguridad ang paglabag ng sugnay na ito, lahat ng panalo sa Website ay mawawala at ibabalik sa Kumpanya, at iba-block ang lahat ng account.
8.4.
Kung ang bank transfer ay kinakailangan para ibalik ang pera sa tunay na may-ari, lahat ng singil sa bangko ay aakuin ng tumatanggap.
8.5.
Ikaw ay pinapayagang gumamit ng isang numero ng telepono lamang kung nais mong magdagdag ng pera sa Iyong Account gamit ang may bayad na SMS. Kailangan mong banggitin ang numero ng telepono na ito sa iyong profile. Kalahati lang ng kabuuang idinagdag ang napupunta sa Iyong Account. Hindi pinapayagan ng Kumpanya na kumuha ng loan ang mga user mula sa mga cell phone operator na pumapayag sa ganitong uri ng serbisyo, kahit na payagan pa ito ng operator. Hindi ka maaaring gumawa ng mga sms na deposito gamit ang mga ganitong loan na may negatibong balanse. Ang mga user na lalabag sa panuntunang ito ay maba-blacklist, at iba-block ang mga account ng mga manlalaro nang walang opsyon sa pag-withdraw.
8.6.
Hindi kami tumatanggap ng perang pondo na ipinadala sa amin. Nilalaan namin ang karapatang gumamit ng mga third party electronic payment processor at/o pinansyal na institusyon para magproseso ng mga pagbabayad na ginawa patungo at mula sa iyo kaugnay sa iyong paggamit ng mga serbisyo. Hangga't hindi sumasalungat ang mga ito sa mga tuntunin ng Tuntuning ito, sumasang-ayon kang magpapasakop sa mga Tuntunin ng mga nasabing third party electronic payment processor at pinanasyal na institusyon.
8.7.
Sa kaso ng kahina-hinala o mapandayang pagbabayad, kabilang ang paggamit ng ninakaw na credit card, chargeback o anumang iba pang mapandayang aktibidad, nilalaan ng Kumpanya ang karapatang i-block ang Iyong Account, baligtarin ang anumang nagawang pay-out at ibalik ang anumang panalo. May karapatan kaming ipagbigay-alam sa sinumang kinauukulan ang anumang pandaraya sa pagbabayad o iba pang ilegal na aktibidad at maaaring mag-empleyo ng mga serbisyo sa koleksyon para maibalik ang mga pagbabayad. Gayunpaman, kailanman ay hindi mananagot ang Kumpanya para sa anumang hindi awtorisadong paggamit ng mga credit card, naiulat mang ninakaw ang mga credit card o hindi.
8.8.
Maaari naming iharap kahit anong oras ang anumang positibong balanse sa Iyong Account laban sa anumang halaga na utang mo sa amin kapag isinaayos naming muli ang anumang pusta o wager alinsunod sa mga Duplicate Account, Panloloko, Pakikipagsabwatan, Pandaraya at Kriminal na Aktibidad o Pagkakamali.
8.9.
Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na ang Iyong Account ay hindi isang bank account at dahil dito ay hindi nakaseguro, garantisado, itinataguyod o iniingatan ng kahit anong seguro sa bangko o iba pang sistema. Dagdag dito, anumang perang dineposito sa Iyong Account ay hindi aani ng kahit anong interes.
8.10.
Maaari kang humiling ng pag-withdraw ng pondo mula sa Iyong Account anumang oras basta't:
8.10.1.
lahat ng pagbabayad na ginawa patungo sa Iyong Account ay nakumpirma na klaro at walang na-charge-back, nabaligtad o nakansela;
8.10.2.
anumang Pagsusuri na tinutukoy sa talata 6 sa itaas ay nakumpleto.
8.11.
Kung gumagawa ng kahilingang maglabas ng pera, may ilang punto na kailangang isaalang-alang:
8.11.1.
lahat ng impormasyon sa iyong Profile ay kailangang napunan;
8.11.2.
kailangang ma-withdraw ang pondo sa parehong paraang ginamit sa pagdeposito;
8.11.3.
kailangan mong gumawa ng hindi bababa sa isang deposito;
8.11.4.
kung ang hiniling na halaga ay lumalagpas sa isang libong Dolyar ng Estados Unidos (USD 1,000), kailangang isagawa ang proseso ng pagkakakilanlan ng manalalaro sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng kopya o digital na litrato ng iyong mga dokumento sa pagkakakilanlan, katulad ng Pasaporte o ID card. Ang serye at numero ng pasaporte ay maaaring takpan sa larawan. Maaari ring humiling ang Kumpanya ng iba pang karagdagang dokumento;
8.11.5.
kung may nalipat na pera mula sa isang phone operator, ang pag-withdraw ay maaantala nang 2-3 linggo dahil sa pagsusuri sa pandaraya;
8.11.6.
kung ang halaga ng pagpapalit ay 2 (dalawa) beses na mas mababa kaysa deposito, nilalaan ng Kumpanya ang karapatang ipagkati ang 20% ng pag-withdraw upang sagutin ang mga gastos sa pagbabayad.
8.12.
Nilalaan namin ang karapatang maningil ng bayad na nagkakahalaga sa sarili naming mga gastos para sa pag-withdraw ng pondo na hindi naisama sa proseso.
8.13.
Para sa mga manlalarong matagumpay na nakumpleto ang pagsusuring KYC, isang halaga ng pag-withdraw na hanggang 499 EUR (o katumbas sa iyong currency) ang aaprubahan ng Casino sa loob ng panahong 5 minuto — 12 oras, ngunit hindi lalagpas ng 2 araw ng trabaho mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa mga katapusan ng linggo at mga holiday. Pakitandaan, ang panahon ng clearance ng pera ay maaaring magkaiba ayon sa paraan ng pagbabayad. Maraming provider ng pagbabayad, lalo na ang mga bangko, ang hindi nagpoproseso ng mga pagbabayad tuwing katapusan ng linggo at mga pista opisyal.
8.14.
Para sa mga manlalarong matagumpay na nakumpleto ang pagsusuring KYC, isang halaga ng pag-withdraw mula 500 EUR hanggang 4999 EUR (o katumbas sa iyong currency) ang aaprubahan ng Casino sa loob ng panahong 5 minuto — 48 oras, ngunit hindi lalagpas ng 5 araw ng trabaho mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa mga katapusan ng linggo at mga holiday. Pakitandaan, ang panahon ng clearance ng pera ay maaaring magkaiba ayon sa paraan ng pagbabayad. Maraming provider ng pagbabayad, lalo na ang mga bangko, ang hindi nagpoproseso ng mga pagbabayad tuwing katapusan ng linggo at mga pista opisyal.
8.15.
Para sa mga manlalarong matagumpay na nakumpleto ang pagsusuring KYC, isang halaga ng pag-withdraw mula 5000 EUR hanggang 29 999 EUR (o katumbas sa iyong currency) ang aaprubahan ng Casino sa loob ng panahong 5 minuto — 96 oras, ngunit hindi lalagpas ng 14 araw ng trabaho mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa mga katapusan ng linggo at mga holiday. Pakitandaan, ang panahon ng clearance ng pera ay maaaring magkaiba ayon sa paraan ng pagbabayad. Maraming provider ng pagbabayad, lalo na ang mga bangko, ang hindi nagpoproseso ng mga pagbabayad tuwing katapusan ng linggo at mga pista opisyal.
8.16.
Para sa mga manlalarong matagumpay na nakumpleto ang pagsusuring KYC, isang halaga ng pag-withdraw na mas mataas kaysa 30 000 EUR (o katumbas sa iyong currency) ang aaprubahan ng Casino sa loob ng panahong 5 minuto — 96 oras, ngunit hindi lalagpas ng 30 araw ng trabaho mula sa petsa ng kahilingan, maliban sa mga katapusan ng linggo at mga holiday. Pakitandaan, ang panahon ng clearance ng pera ay maaaring magkaiba ayon sa paraan ng pagbabayad. Maraming provider ng pagbabayad, lalo na ang mga bangko, ang hindi nagpoproseso ng mga pagbabayad tuwing katapusan ng linggo at mga pista opisyal.
8.17.
Kung sakaling ang halaga ng iyong (mga) kahilingan sa pag-withdraw kabilang ang kasalukuyang account balance at habambuhay na pag-withdraw ay hindi bababa sa 20 beses na mas malaki kaysa kabuuan ng iyong mga deposito, maaaring limitahan ka hanggang 5000 EUR (o katumbas sa iyong currency) para sa pag-withdraw sa loob ng 30 araw. Pakitandaan, ang panahon ng clearance ng pera ay maaaring magkaiba ayon sa paraan ng pagbabayad. Maraming provider ng pagbabayad, lalo na ang mga bangko, ang hindi nagpoproseso ng mga pagbabayad tuwing katapusan ng linggo at mga pista opisyal.
8.18.
Kapag naaprubahan na ang iyong withdrawal, hindi kami mananagot para sa anumang pagkaantala sa mga pagbabayad na dulot ng mga third party na nagpoproseso ng electronic payment at mga institusyong pampinansyal at/o proseso ng pag-clear ng third party.
8.19.
Maaaring makipagkasundo nang indibidwal sa Administrasyon ng Website tungkol sa ibang mga opsyon at tuntunin sa pag-withdraw.

9.MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON PARA SA MGA 1-СLICK NA PAGBABAYAD

9.1.
Sumasang-ayon kang magbayad para sa lahat ng produkto at/o serbisyo o ibang karagdagang serbisyo na iyong inorder gamit ang Website, gayundin ang anumang karagdagang gastusin (kung kinakailangan), kabilang, ngunit hindi limitado sa, lahat ng posibleng buwis, singil, atbp. Kinukuha mo ang buong responsibilidad para sa napapanahong pagbabayad sa Website. Pinapabilis lang ng mga payment service provider ang pagbabayad para sa halagang nakasaad sa Website, at wala silang pananagutang ibayad sa Website ang nabanggit na karagdagang pondo/gastusin ng user.
9.2.
Pagkatapos i-click ang "Magbayad" na button, ang transaksyon ay hindi mababagong ituturing na naproseso at naipatupad. Pagkatapos i-click ang "Bayaran" na button, sumasang-ayon ka na wala kang karapatang kanselahin ang pagbabayad o hilingin na kanselahin ito. Sa paglalagay ng order sa Website, kinukumpirma at sinasaad mo na wala kang nilalabag na batas ng kahit anong bansa. Bukod dito, sa pagtanggap nitong Mga Panuntunan (at/o Mga Tuntunin at Kundisyon), ikaw, bilang cardholder, ay kumukumpirma na may karapatan kang gumamit ng Mga Serbisyo na inaalok sa Website.
9.3.
Kung sakaling gagamitin mo ang mga serbisyo ng Website, na nag-aalok ng mga nasabing espesipikong serbisyo bilang mga serbisyo sa paglalaro, gumagawa ka ng deklarasyong may bisa ayon sa batas na narating mo o nalagpasan na ang legal na edad, na itinuturing na ganito ayon sa iyong hurisdiksyon upang magamit ang Mga Serbisyong ipinagkakaloob ng Website.
9.4.
Sa pagsisimulang gumamit ng Mga Serbisyo ng Website, kinukuha mo ang legal na pananagutan sa hindi paglabag sa batas ng kahit anong bansa kung saan ginagamit ang Serbisyong ito, at kinukumpirma mo na ang payment service provider ay hindi mananagot sa anumang ganitong pinagbabawal o hindi awtorisadong paglabag. Sa pagsang-ayon sa paggamit ng Mga Serbisyo ng Website, nauunawaan at tinatanggap mo na ang pagproseso ng alinman sa iyong mga pagbabayad ay isinasagawa ng payment service provider, at walang karapatan ayon sa batas ng pagpapawalang-bisa ng mga nabiling bagay at/o serbisyo o ano pa mang ibang pagkakataon para kanselahin ang pagbabayad. Kung nais mong tanggihan ang paggamit ng Mga Serbisyo para sa susunod mong mga pagbili ng mga produkto at/o serbisyo o iba pang mga pasilidad sa Website, maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng paggamit ng iyong Personal account/profile sa Website.
9.5.
Hindi mananagot ang payment service provider para sa kahit anong pagkabigong maproseso ang data na may kinalaman sa iyong card sa pagbabayad, o para sa pagtanggi ng nagkakaloob na bangko na magbigay ng awtorisasyon ng pagbabayad gamit ang iyong card sa pagbabayad. Hindi mananagot ang payment service provider sa kalidad, dami, presyo, mga tuntunin o kundisyon ng kahit anong produkto at/o serbisyo o iba pang pasilidad na inaalok sa iyo o binili mo mula sa Website sa pamamagitan ng paggamit ng iyong card sa pagbabayad. Kapag nagbabayad ka para sa anuman sa mga produkto at/o serbisyo ng Website, ikaw ay pangunahing saklaw ng mga tuntunin at kundisyon ng Website. Pakitandaan na ikaw lang, bilang cardholder, ang may pananagutan sa pagbabayad ng lahat ng produkto at/o serbisyo na iyong in-order sa pamamagitan ng Website at sa anumang karagdagang gastusin/singil na maaaring ilapat sa pagbabayad na ito. Kumikilos lang ang payment service provider bilang tagapagpatupad ng pagbabayad sa halagang nakasaad sa Website, at wala itong pananagutan sa pagpepresyo, kabuuang presyo at/o kabuuang halaga.
9.6.
Kung sakaling may sitwasyon kung saan hindi ka sumasang-ayon sa mga nabanggit na tuntunin at kundisyon at/o ibang kadahilanan, hinihiling namin sa iyo na huwag magpatuloy sa pagbabayad, at, kung kinakailangan, direktang makipag-ugnayan sa administrator/ support ng Website.

10.PAGLALAGAY NG PUSTA O PAGLALARO

10.1.
Pananagutan mo ang tiyaking tama ang mga detalye ng anumang transaksyon na ilalagay mo bago kumpirmahin ang pusta.
10.2.
Ang kasaysayan ng iyong mga transaksyon ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa "Cashier" sa Website.
10.3.
Nilalaan namin ang karapatang tanggihan ang buo o bahagi ng kahit anong transaksyong hiniling mo anumang oras ayon sa aming sariling pagpapasya. Walang transaksyon ang ituturing na tinanggap hangga't wala kang natatanggap na kumpirmasyon mula sa amin. Kung hindi ka tumanggap ng kumpirmasyon na tinanggap na ang iyong transaksyon, kailangan mong makipag-ugnayan sa Support.
10.4.
Maaari kang maglagay ng mga pusta sa Serbisyo gamit lang ang credit na hawak sa iyong account.

11.PAKIKIPAGSABWATAN, PANLOLOKO, PANDARAYA AT KRIMINAL NA AKTIBIDAD

11.1.
Ang mga sumusunod na aktibidad ay hindi pinapayagan at nagsisilbing materyal na paglabag ng Mga Tuntunin:
11.1.1.
pagbibigay ng impormasyon sa mga third party;
11.1.2.
paggamit ng hindi patas na kalamangan o impluwensya, kabilang ang pagsasamantala sa mga bug, butas o pagkakamali sa aming software, paggamit ng mga automated na manlalaro; o pagsasamantala sa isang "pagkakamali”;
11.1.3.
pagsasagawa ng mapandayang aktibidad para ikaw ay makalamang kabilang ang paggamit ng ninakaw, kinopya o hindi awtorisadong credit o debit card bilang pinagmumulan ng mga pagdeposito sa account;
11.1.4.
pakikilahok sa anumang kriminal na aktibidad kabilang ang money laundering at ano pa mang ibang aktibidad na may kriminal na parusa;
11.1.5.
pakikipagsabwatan o pagtatangkang makipagsabwatan at pagtatangkang lumahok, direkta o hindi direkta, sa anumang plano ng pakikipagsabwatan sa sinumang manlalaro sa gitna ng kahit anong laro na nilalaro o lalaruin mo sa Website.
11.2.
Gagawin ng Kumpanya ang lahat ng makatwirang hakbang para pigilan ang pakikipagsabwatan o anumang pagtatangkang makipagsabwatan; makita ito at ang mga kaukulang manlalaro; at makipagtuos sa mga kaukulang manlalaro nang nararapat. Hindi kami mananagot sa anumang pagkatalo o pinsala na maaari mong matamo o ng sinumang ibang manalalaro bilang resulta ng pakikipagsabwatan, mapandaya o ilegal na aktibidad o panloloko at anumang pagkilos na aming gagawin sa usaping ito ay ayon sa aming sariling pagpapasya.
11.3.
Kung naghihinala ka na ang isang tao ay nakikipagsabwatan, nanloloko o nagsasagawa ng mapandaya / pinagbabawal na aktibidad, makatwirang iulat mo ito agad sa amin sa pamamagitan ng email.
11.4.
Kung naghihinala ang Kumpanya na maaaring ikaw ay lumalahok o lumahok sa mapandaya, ilegal o hindi tamang aktibidad, kabilang, nang walang limitasyon, sa aktibidad na money laundering, o gawi na lumalabag sa Mga Tuntunin, ang iyong access sa mga serbisyo ay maaaring agad na tapusin at/o ang iyong account ay maba-block. Kung ang iyong account ay tinapos o na-block sa ganitong sitwasyon, walang obligasyon ang Kumpanya na i-refund sa iyo ang anumang pondo na maaaring nasa Iyong Account. May karapatan ang Kumpanya na ipagbigay-alam sa kinauukulan, iba pang mga online service provider at bangko, mga kumpanya ng credit card, mga electronic payment provider o ibang pinansyal na institusyon ang iyong pagkakakilanlan at ng anumang pinaghihinalaang ilegal, mapandaya o hindi tamang aktibidad at ikaw ay lubusang makikipagtulungan sa Kumpanya para imbestigahan ang anumang ganitong aktibidad.
11.5.
Kung may makatwiran kaming dahilan para maniwalang Ikaw ay lumalahok o nagkaroon ng koneksyon sa kahit anong anyo ng pinagbabawal na aktibidad (nakita man namin o ng aming mga partner sa paglalaro at iba pang supplier) gaya ng panloloko at pakikipagsabwatan na ginagamit sa industriya ng pagsusugal at paglalaro (kabilang ngunit hindi limitado sa "Wonging", "Opposite Betting", "Perfect Pair" Card Counting, Dragon Tiger "Suited Tie" Card Counting o ano pa mang ibang pamamaraan ng Card Counting) - nilalaan ng Kumpanya ang karapatang itigil ang pagbibigay serbisyo sa pangkalahatan at/o limitahan ang paggamit ng isang partikular na uri ng laro.

12.IBA PANG MGA PINAGBABAWAL NA AKTIBIDAD

12.1.
Hindi ka dapat gumamit ng mapang-abuso o agresibong pananalita o mga larawan; magmura, magbanta, mambastos o mang-abuso ng iba, kabilang ang ibang mga user, o kumilos sa ganitong pamamaraan patungo sa kawani ng Kumpanya na nagpapagana o sumusuporta sa Website.
12.2.
Hindi mo sisirain o kakalatan ang Website ng impormasyong magdudulot sa Website na hindi gumana nang matino, o gagawa ng anumang pagkilos na maaaring makaapekto sa paggana ng Website sa anumang kaparaanan, halimbawa, ang paglalabas o pagpapakalat ng mga virus, worm, logic bomb o anumang kahalintulad na pagkilos. Anumang maramihang pagsumite o "spam" ay mahigpit na ipinagbabawal. Hindi ka dapat manghimasok o makialam, magtanggal o magbago sa ano pa mang paraan ang anumang impormasyong makikita sa Website.
12.3.
Gagamitin mo ang Website para sa personal na paglilibang lamang at hindi ka pinapayagang kumopya sa Website o anumang bahagi nito sa kahit anong anyo nang hindi muna kumukuha ng aming hayagang pahintulot.
12.4.
Hindi ka dapat magtangkang kumuha ng hindi awtorisadong access sa Website, sa mga server kung saan nakaimbak ang Website o kahit anong server, computer o database na konektado sa Website. Hindi mo dapat atakehin ang Website gamit ang denial-of-service na pag-atake o anumang kahalintulad na uri ng pag-atake. Kung sakaling malabag ang probisyong ito, iuulat namin ang anumang ganitong paglabag sa kinauukulang awtoridad na nagpapatupad ng batas at makikipagtulungan kami sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng iyong pagkakakilanlan sa kanila. Sa panahon ng ganitong paglabag, agad na mawawala ang iyong karapatang gamitin ang Website.
12.5.
Hindi kami mananagot sa anumang pagkawala o pinsalang dulot ng denial-of-service na pag-atake, mga virus o iba pang mapanganib na teknolohiyang materyal na maaaring makahawa sa iyong kagamitang computer, mga computer program, data o iba pang proprietary material na mararanasan mo bilang resulta ng paggamit ng Website o pag-download ng anumang materyal na nakapaskil sa Website, o sa anumang website na naka-link sa Website.
12.6.
Pinagbabawal ang pagbebenta o paglilipat ng mga account at/o anumang karapatan sa mga account (kabilang ang karapatan sa pagmamay-ari) sa mga third party (kabilang ang ibang mga manlalaro) o sadyang pagpapatalo ng mga chip o laro upang maglipat ng mga chip sa isa pang manlalaro. Ang sadyang pagpapatalo ng laro o chip ay nagaganap kapag natalo ka ng hand o laro upang maglipat ng pera sa isa pang user.
12.7.
Ang pagma-mask ng IP o lokasyon ay hindi pinapayagan at nilalaan namin ang karapatang isara ang anumang account at pawalang-bisa ang anumang pusta, bonus at panalo kung ang account ay nilikha o ginamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya sa IP o geolocation masking kabilang ngunit hindi limitado sa mga VPN at Proxy Server.

13.Duration and termination

13.1.
Maaari mong wakasan (i-lock) ang iyong account anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa live na suporta.
13.2.
Hanggang sa makatanggap ka ng kumpirmasyon mula sa amin na nagsasaad na sinara na namin ang Iyong Account, mananatili kang may pananagutan sa anumang aktibidad sa Iyong Account mula sa panahong nagpadala ka sa amin ng kahilingan hanggang sa panahong sinara ng Kumpanya ang iyong account.
13.3.
Nilalaan ng Kumpanya ang karapatang mangolekta ng mga bayarin, surcharge o gastusing natamo bago ka nagkansela ng Iyong Account. Kung sakaling pinutol, nasuspinde o nakansela ang Iyong Account, walang ibang credit ang make-credit sa iyo o maipagpapalit sa cash o ibang anyo ng reimbursement, at hindi ka na magkakaroon ng access sa Iyong Account.
13.4.
Sa pagtatapos ng Iyong Account sakop ng anumang karapatan o obligasyong natamo bago ang pagtatapos, wala sa dalawang partido ang magkakaroon ng anumang karagdagang obligasyon sa isa't isa sa ilalim ng Tuntuning ito.
13.5.
Maaaring tapusin ng Kumpanya ang Iyong Account, kabilang ang iyong username at password, kaagad nang walang abiso:
13.5.1.
kung sa anumang kadahilanan ay nagpasya kaming huwag ipagpatuloy ang pangkalahatan o espesipikong pagbibigay ng mga serbisyo sa iyo;
13.5.2.
kung ang Iyong Account ay nauugnay sa anumang kaparaanan sa anumang account sa kasalukuyan na tinapos;
13.5.3.
Kung ang Iyong Account ay nauugnay o may kaugnayan sa, mga na-block na account sa kasalukuyan, maaari naming tapusin ang Iyong Account, hindi alintana ang kalikasan ng kaugnayang ito, at mga detalye ng pagrerehistro na binigay sa mga nasabing account; o para sa anumang kadahilanan na nakikita namin. Maliban sa kung ano ang ipinagkakaloob dito, sa pagtatapos ang anumang balanse sa Iyong Account ay ibabalik sa iyo sa loob ng makatwirang panahon ng iyong kahilingan, sakop lagi sa aming karapatang magkaltas ng anumang halagang utang mo sa amin;
13.5.4.
kung nagtatangka kang magmanipula o kumuha ng impormasyon tungkol sa software code o kasama ka sa pakikipagsabwatan;
13.5.5.
kung pinapakialaman mo o pinagtatangkaang pakialaman ang software sa anumang kaparaanan;
13.5.6.
kung ikaw ay gumagawa ng pagkakasala hal. sa pamamagitan ng pagtatangkang pumasok sa Website mula sa isang hurisdiksyon kung saan ilegal ang paglalaro;
13.5.7.
kung naglalathala ka ng anumang aktwal o potensyal na mapanira, nakakagalit, racist, nakakasakit o malaswang wika o materyal.

14.PAGBABAGO NG WEBSITE

14.1.
Sa aming lubos na pagpapasya, maaari naming baguhin o amyendahan ang anumang serbisyong inaalok gamit ang Website anumang oras para sa layunin ng pagpapanatili ng Website.

15.MGA PAGKABIGO NG IT

15.1.
software o hardware na ginagamit namin para patakbuhin ang Website, gagawa kami ng agarang mga hakbang para ayusin ang problema. Hindi kami tumatanggap ng anumang pananagutan para sa mga pagkabigo ng IT na dulot ng iyong kagamitang ginamit para pumasok sa Website o mga error na may kaugnayan sa iyong internet service provider.
15.2.
Kung sakaling may anumang kontrobersyal na mga isyu tungkol sa mga round ng laro (kahirapan sa pag-credit ng mga panalo, nagfi-freeze na mga round ng laro, atbp.), kailangang makipag-ugnayan ang manlalaro sa support service nang hindi lalagpas sa 10 araw pagkatapos maganap ang sitwasyon. Kailangang tukuyin ng manlalaro ang pinakatumpak na oras ng insidente (hanggang sa minuto), kung hindi ay nilalaan ng administrasyon ng casino ang karapatang tumangging isaalang-alang ang sitwasyon para sa mga teknikal na kadahilanan. Ang prayoridad ay makipag-ugnayan agad sa support pagkatapos ng insidente.

16.MGA ERROR O PAGLAKTAW

16.1.
Ilang sitwasyon ang maaaring lumitaw kung saan ang isang pusta ay tinanggap o isang pagbabayad ay ginawa na may mga error mula sa panig ng Kumpanya: halimbawa, mali ang aming pagsasaad sa iyo ng anumang tuntunin ng wager sa paglalaro bilang resulta ng maliwanag na error o data input error o bilang resulta ng hindi paggana nang matino ng computer, gayundin ay maaari kaming makagawa ng error pagdating sa halaga ng panalo/balik na binayad sa iyo bilang resulta ng manwal o automated input error.
16.2.
Nilalaan ng Kumpanya ang karapatang tumanggi, maghigpit, magkansela o maglimita ng anumang pusta.
16.3.
Kung ikaw ay may-kamaliang nagawaran ng anumang panalo bilang resulta ng anumang error ng tao o anumang bug, sira o error sa software, o pagkabigo ng mga kaukulang produkto ng laro o software para tumakbo alinsunod sa mga panuntunan ng kaukulang laro ("Mga Error"), walang pananagutan ang Kumpanya na bayaran ka ng anumang ganitong panalo at agad na ipagbibigay-alam ang error sa Kumpanya at sumasang-ayon kang ire-refund ang anumang nasabing panalo na maaaring naibayad sa iyo bilang resulta ng nasabing error o pagkakamali.
16.4.
Wala sa amin o sa mga partner namin ang mananagot para sa anumang pagkawala kabilang ang pagkawala ng panalo na nagreresulta mula sa anumang Error mula sa amin o error mula sa iyo.
16.5.
Ang Kumpanya at mga nauukol na licensee, distributor, parent, sibsidiary, affiliate at lahat ng mga opisyal at direktor at empleyado nito ay hindi mananagot para sa anumang pagkawala o pinsala na maaaring idulot ng pagpigil o maling paggamit ng anumang impormasyong nahatid sa Internet.

17.PAGBUBUKOD NG AMING PANANAGUTAN

17.1.
Sumasang-ayon ka na ikaw ay malayang pumili kung gagamitin ang mga serbisyo sa Website at ang paggamit mo ng mga serbisyo ay sarili mong pagpipili, pagpapasya at panganib.
17.2.
Ipagkakaloob namin ang Website nang may makatwirang kahusayan at pag-iingat at gaya ng inilalarawan sa Mga Tuntunin. Hindi kami gumagawa ng ano pa mang ibang pangako o garantiya tungkol sa Website o mga produktong inaalok gamit ang Website at sa pamamagitan nito ay binubukod ang lahat ng pinapahiwatig na garantiya sa aspetong ito.
17.3.
Hindi mananagot ang Kumpanya sa kontrata, tort, kapabayaan, o iba pang paraan, para sa anumang pagkawala o pinsala, kabilang ngunit hindi limitado sa pagkawala ng data, kita, negosyo, mga oportunidad, kabutihang-loob o reputasyon gayundin ang pagkagambala sa negosyo o anumang pagkawala na hindi namin nakikita sa kasalukuyan na lilitaw mula sa o sa anumang kaparaanang konektado sa iyong paggamit ng anumang link na nakapaloob sa Website. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa nilalaman na nakapaloob sa anumang Internet site na naka-link sa Website o sa pamamagitan ng mga serbisyo.

18.PAGLABAG NG MGA TUNTUNIN

18.1.
Hihingin sa iyo na lubusang sagutin ang anumang paghahabla, pananagutan, gastusin at ano pa mang ibang singil na maaaring lumitaw bilang resulta ng iyong paglabag ng Mga Tuntunin.
18.2.
Sumasang-ayon ka na lubusang bayaran, ipagtanggol at hindi ipapahamak ang Kumpanya, mga white label partner nito at kanilang mga kumpanya at kanilang mga opisyal, direktor at empleyado kaagad kapag hiningi mula at laban sa lahat ng paghahabol, mga demand liability, pinsala, pagkawala at gastusin, kabilang ang mga legal na bayarin at ano pa mang ibang singil, paano man naidulot, na maaaring lumitaw bilang resulta:
18.2.1.
ng anumang paglabag mo ng Mga Tuntunin;
18.2.2.
iyong paglabag ng kahit anong batas o karapatan ng kahit sinong third party;
18.2.3.
iyong paggamit ng mga serbisyo o paggamit ng sinumang ibang tao na gumagamit ng mga serbisyo gamit ang iyong user identification, may pahintulot mo man o wala; o
18.2.4.
pagtanggap ng anumang panalo.
18.3.
Sa mga kaso kung kailan ikaw ay may malaking paglabag ng Mga Tuntunin, nilalaan namin ang karapatan ngunit hindi kinakailangang:
18.3.1.
pagkalooban ka ng abiso na ikaw ay may paglabag sa Mga Tuntunin na nangangailangan sa iyo na tumigil sa pagpapatuloy ng paglabag;
18.3.2.
suspindehin ang Iyong Account, kung saan wala kang kakayahang maglagay ng mga pusta o maglaro sa Website;
18.3.3.
isara ang Iyong Account nang may paunang abiso man mula sa amin o wala;
18.3.4.
mag-withdraw mula sa Iyong Account, ng halaga ng anumang pagbabayad, bonus o panalo na nakuha mo bilang resulta ng anumang malaking paglabag.
18.4.
May karapatan kaming i-disable ang iyong username at password kung mabigo kang sumunod sa alinman sa mga probisyon ng Mga Tuntunin.

19.MGA KARAPATAN SA INTELEKTWAL NA PAG-AARI

19.1.
Ang mga nilalaman ng Website ay sakop ng mga karapatan sa copyright at iba pang karapatan sa pagmamay-ari na pagmamay-ari ng Kumpanya o ginagamit sa ilalim ng lisensya mula sa mga may-ari ng karapatan na third party. Lahat ng materyal na nada-download o napi-print na nilalaman ng Website ay maaaring i-download sa isang personal computer lamang at maaaring i-print para sa personal at hindi komersyal na paggamit.
19.2.
Kailanman ay hindi magbibigay sa user ang paggamit ng Website ng anumang bahagi ng mga karapatan sa intelektwal na pag-aari na pagmamay-ari ng Kumpanya o ng sinumang third party.
19.3.
Anumang paggamit o pagpaparami ng anumang pangalan ng trade, mga trademark, mga logo o iba pang malikhaing materyal na nakikita sa website na ito ay ipinagbabawal.
19.4.
Ikaw lang ang mananagot para sa anumang pinsala o gastusin na lilitaw kaugnay sa paggawa ng anumang ipinagbabawal na aktibidad. Aabisuhan mo agad ang Kumpanya kapag nalaman mo ang paggawa mula sa sinuman ng anuman sa mga ipinagbabawal na aktibidad at bibigyan mo ang Kumpanya ng makatwirang pagtulong sa anumang imbestigasyon na maaari nitong isagawa dahil sa impormasyong ibinigay mo sa aspetong ito.

20.ANG IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON

20.1.
Kami ay inaatasang sumunod sa mga atas ng pag-iingat ng data sa paraan kung paano ginagamit ng Kumpanya ang anumang personal na impormasyong nakolekta habang ikaw ay bumibisita sa Website. Sa gayon, sineseryoso namin ang aming mga obligasyon kaugnay sa paraan kung paano namin ginagamit ang iyong personal na impormasyon. Mahigpit na hahawakan ng Kumpanya ang lahat ng iyong ibinigay na personal na impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Privacy.
20.2.
Sa pagbibigay sa amin ng impormasyon, sumasang-ayon ka sa aming karapatang iproseso ang iyong personal na impormasyon para sa mga layuning inilarawan sa Mga Tuntunin at Kundisyon o Patakaran sa Privacy at para sa mga layunin ng pagsunod sa obligasyong pang-legal at pang-regulasyon.
20.3.
Patakaran ng Kumpanya na huwag isiwalat ang anumang personal data kahit kanino maliban sa mga third party at empleyadong nangangailangan ng ganitong access sa data para pagkalooban ka ng mga serbisyo. Maaari rin namin isiwalat ang iyong personal na impormasyon kapag legal na hiningi ng mga pampublikong awtoridad.
20.4.
Itatago namin ang mga kopya ng lahat ng iyong komunikasyon sa amin upang mapanatili ang tumpak na mga tala ng impormasyong natanggap namin mula sa iyo.

21.PAGGAMIT NG MGA COOKIE SA WEBSITE

21.1.
Gumagamit ang Kumpanya ng "mga cookie" upang magbigay ng partikular na pagganap ng Website. Ang cookie ay isang maliit na text file na nilalagay sa iyong computer kapag pumapasok ka sa Website, kung saan maaari ka naming makilala kapag bumabalik ka sa Website. Ang dagdag na impormasyon tungkol sa pag-delete o pagkontrol ng mga cookie ay makikita sa www.aboutcookies.org. Pakitandaan na sa pagdi-delete ng aming mga cookie o pagdi-disable ng mga cookie ay maaaring hindi mo magawang pumasok sa ilang partikular na lugar o gumamit ng mga partikular na tampok ng Website.

22.MGA REKLAMO AT ABISO

22.1.
Kung nais mong gumawa ng reklamo tungkol sa Website, bilang unang hakbang ay dapat kang, sa pinakamaagang panahon hangga't maaari, makipag-ugnayan sa Support Service tungkol sa iyong reklamo.
22.2.
Kung sakaling may anumang pagtatalo, sumasang-ayon ka na ang mga tala ng server ay magsisilbing pangwakas na awtoridad sa pagtukoy sa kalalabasan ng anumang paghahabol.
22.3.
Kinikilala mo na tutukuyin ng aming random number generator ang kalalabasan ng mga larong nilaro sa Website at tinatanggap mo ang mga kinalabasan ng lahat ng mga nasabing laro. Kung may anumang pagkakaiba sa mga resulta ng paglalaro sa iyong computer at sa mga resulta sa aming server, ang mga resulta sa aming server ay magiging pangwakas at umiiral. Kung may anumang pagkakaiba sa pagitan ng iyong on-screen display at sa balanse sa iyong account, ang balanse na nasa server ng Kumpanya ay ituturing na balanse sa iyong account at ang pagtukoy na ito ay pangwakas at umiiral. Tatalikuran mo ang anumang halagang nakikita sa Iyong Account na nagreresulta mula sa pagkakamali ng tao o teknikal na default.

23.INTERPRETASYON

23.1.
Ang orihinal na teksto ng Mga Tuntunin ay nakasulat sa Ingles at anumang interpretasyon ng mga ito ay nakaayon sa orihinal na tekstong Ingles. Kung ang Mga Tuntunin o anumang dokumento o abiso na kaugnay sa mga ito ay isinalin patungo sa isa pang wika, mananaig ang Ingles na bersyon.

24.PAGLILIPAT NG MGA KARAPATAN AT OBLIGASYON

24.1.
Nilalaan namin ang karapatang ilipat, i-assign at i-sublicense o ipangako ang Mga Tuntunin, nang kabuuan o bahagi, sa kahit sinong tao, basta't anumang nasabing pag-assign ay nasa parehong mga tuntunin o mga tuntunin na hindi mo kalugihan.

25.MGA KAGANAPAN SA LABAS NG AMING KONTROL

25.1.
Hindi mananagot ang Kumpanya para sa anumang pagkabigong gawin o pagkaantala sa pagganap ng anuman sa aming mga obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin na idinulot ng mga kaganapang hindi sakop ng aming makatwirang kontrol, kabilang, nang walang limitasyon, sa mga act of God, digmaan, kaguluhang sibil, paggambala sa mga network o serbisyo sa pampublikong komunikasyon, mga industriyal na pagtatalo o mga DDOS-attack at mga kahalintulad na atake sa Internet na maaaring magkaroon ng masamang epekto (Force Majeure”).
25.2.
Ang aming paggnap ay ituturing na suspendido habang nagpapatuloy ang Force Majeure at magkakaroon kami ng ekstensyon ng oras para sa pagganap para sa tagal ng panahong iyon. Gagamitin namin ang aming makatwirang pagsisikap para matapos ang Force Majeure o makahanap ng solusyon kung saan ang mga obligasyon ng Kumpanya ay maaaring magawa sa gitna ng Force Majeure.

26.PAGPAPAUBAYA

26.1.
Kung mabigo kaming ipilit sa gitna ng mahigpit na pagganap ang anuman sa iyong mga obligasyon o kung mabigo kaming gamitin ang anuman sa mga karapatan o remedyong nararapat sa amin, hindi ito bumubuo ng pagpapaubaya ng mga naturang karapatan o remedyo at hindi ka maaalis sa pagsunod sa mga naturang obligasyon.
26.2.
Ang isang pagpapaubaya mula sa amin ng anumang default ay hindi bumubuo ng pagpapaubaya ng anumang sumusunod na default. Walang pagpapaubaya mula sa amin ng anuman sa mga probisyon ng Mga Tuntunin ang magiging epektibo maliban kung ito ay tuwirang ipinahayag na isang pagpapaubaya at inihatid sa iyo sa pamamagitan ng sulat alinsunod sa mga nasa itaas.

27.PAGHIHIWALAY

27.1.
Kung anuman sa Mga Tuntunin ay mapagpasyahang walang-bisa, ilegal o hindi maipatupad sa anumang antas, ang naturang tuntunin, kundisyon o probisyon sa antas na iyon ay mahihiwalay sa mga natitirang tuntunin, kundisyon at probisyon na magpapatuloy na may bisa sa sakop na pinapahintulutan ng batas. Sa ganitong mga kaso, ang bahaging itinuturing na walang-bisa o hindi maipatupad ay aamyendahan sa paraang ayon sa nalalapat na batas para sumalamin, hangga't maaari, sa Aming orihinal na layunin.

28.NAMAMAHALANG BATAS

28.1.
Ang Mga Tuntunin ay pamamahalaan ng at bibigyang-kahulugan nang ayon sa mga batas ng Curacao at ikaw ay hindi mababawing nagpapasakop, para sa pakinabang ng Kumpanya, sa eksklusibong hurisdiksyon ng mga korte ng Curacao para isaayos ang anumang pagtatalo na maaaring lumabas kaugnay sa paglikha, bisa, epekto, interpretasyon o pagganap ng, o mga legal na kaugnayang itinaguyod ng Mga Tuntunin o lumalabas kaugnay ng Mga Tuntunin.

29.MGA LINK

29.1.
Ang Website ay maaaring maglaman ng mga link sa ibang mga website na nasa labas din ng kontrol ng Kumpanya at hindi sakop ng Mga Tuntunin. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa nilalaman ng anumang third party website o mga pagkilos o 'di-paggawa ng kanilang mga may-ari o para sa mga nilalaman ng mga patalastas at sponsorship na third party sa mga website na ito. Ang mga hyperlink sa ibang mga website ay ipinagkakaloob para sa layunin ng impormasyon lamang. Ginagamit mo ang anumang naturang link sa sarili mong panganib.

30.RESPONSABLENG PAGLALARO

30.1.
Kailangang tratuhin ang pagsusugal bilang isang masayang pampalipas panahon, at hindi bilang pamamaraan para lumikha ng kita. Habang ang karamihan sa populasyon ay kayang tingnan ang pagsusugal bilang paglilibang at gumagastos lang ng kaya nilang ibaka sakali, para sa ilan ay mas mahirap ito. Kapaki-pakinabang na subaybayan ang oras at ang halaga ng perang nagastos araw-araw sa isang online casino.
30.2.
Kung iniisip mo na nagsisimula kang gumastos ng mas maraming pera kaysa kaya mo, o kung sakaling ang paglalaro ay nagsisimulang gumambala sa iyong normal na pang-araw-araw na gawain, mahigpit naming minumungkahi ang pagsasaalang-alang ng ilang paraan na makatutulong, katulad ng pagtatakda ng mga Personal Limit sa iyong mga aktibidad sa paglalaro, pagpili para sa Sariling Pagbubukod o pakikipag-ugnayan sa isa sa mga organisasyong nakadetalye sa ibaba.
30.2.1.
Ang GamCare, na siyang nangungunang awtoridad na nagbibigay ng counselling, pagpapayo at praktikal na tulong sa pagtalakay sa epekto ng pagsusugal sa lipunan sa UK, ay maaaring bisitahin sa: www.gamcare.org.uk. Ang kumpidensyal na helpline nito ay: 0845 6000 133. Ang mga residenteng hindi taga-UK ay maaaring makipag-ugnayan sa GamCare para sa mga detalye ng mga internasyunal na orgaisasyon ng suporta
30.2.2.
Ang Gamblers Anonymous ay isang pagtitipon ng mga lalaki at babaeng nagsama-sama para may gawin sa sarili nilang problema sa pagsusugal at tulungan ang ibang mga sugarol na magawa rin ito. May mga pang-rehiyon na pagtitipon sa buong mundo. Ang internasyunal na service site ng Gamblers Anonymous ay nasa: www.gamblersanonymous.org.uk.
30.2.3.
Ang Gambling Therapy ay nagbibigay ng suporta at pagpapayo para sa sinumang nagdurusa dahil sa pagsusugal. Kumikilos ang mga miyembro ng Gambling Therapy Team mula sa mga lokasyon sa loob at labas ng UK. Makikita ang site nito sa: www.gamblingtherapy.org.

31.PERSONAL NA LIMITASYON AT SARILING PAGBUBUKOD

31.1.
Para alalayan ka sa responsableng pagsusugal, may mga limitasyon kami sa aktibidad sa account na maaari mong itakda sa "Responsableng Pagsusugal" na section ng iyong profile o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Live Support.
31.2.
Pagkatapos mong i-deactivate ang iyong account, hindi mo na magagawang mag-log in, magbukas ng bagong account o mag-withdraw ng pera.

32.PROTEKSYON NG MGA MENOR-DE-EDAD

32.1.
Tumatanggap lang ang Website ng mga manlalaro na hindi bababa sa 18 taong gulang at gumagamit ito ng lahat ng parran para pigilan ang anumang pagtatangka ng mga menor-de-edad na magrehistro at maglaro sa aming casino. Nilalaan namin ang karapatang humingi ng patunay ng pagkakakilanlan at kung sakaling ang manlalaro ay hindi pa nakarating sa legal na edad para makapaglaro, tatanggihan ang pagpasok sa website.
32.2.
Mahigpit naming hinihimok ang mga magulang na makipagtulungan sa pagprotekta sa kanilang mga anak mula sa libreng pagpasok sa mga website sa paglalaro. May espesyal na software na maaaring makatulong sa ganitong bagay. Mangyaring bumisita sa mga sumusunod na website para sa dagdag na impormasyon: CyberPatrol, GamBlock®, Solid Oak Software, Net Nanny.
reportservice pixel image